Taong 1895, ika-26 ng Setyembre, isinilang ang isang batang babae na nangangalang Teresa Mira Garcia, mula sa isang malaki ngunit simpleng pamilya ng Algueña, Espanya. Pagkaraan ng labing-pitong taon, taong 1912 lumipat ang buong pamilya ni Teresa sa Novelda at doon nanirahan. Sa bayang ito nakilala ni Teresa ang mga ng Karmelitas Misyoneras Teresiyanas. Sa loob ng tatlong taong pakikisalamuha sa mga misyoneras ng karmelitas dito naramdaman ni Teresa ang tawag ng Diyos sa buhay pagmamadre. Bilang tugon, kinausap niya ang kanyang mga magulang at ipinagtapat ang naising maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpasok sa kumbento ng Kongregasyon na itinatag ng Paring Karmelita na si Beato Francisco Palau. Naunawaan ng kaniyang mga magulang si Teresa at ibinigay ang kanilang basbas.
Nagsimula ang kanyang pormasyon bilang isang Nobisyada sa Tarragona, at nuong taon ding yun Oktubre 13, 1916, tinanggap niya ang unang pagtatalaga ng sarili. Nanatili sya sa Tarragona hanggang taong 1918. Nang taon ding yun, siya ay inilipat sa Alcala, Castellon, dito siya naatasang mamahala at magalaga ng mga maliit na bata. Naging masaya siya sa ibinigay na tungkulin.
Noong Oktubre 19, 1921 kanyang ipinagdiwang ang habang buhay na pagtatalaga ng sarili sa Kapilya ng Kolehiyo. Makalipas ang tatlong taon siya ay inilipat sa San Jorge sa Castellon kung saan ay nagtagal siya ng labing dalawang taon. Dito ipinagpatuloy nya ang kanyang masayang paglilingkod sa mga bata at sa marami pang tao na kanyang napaglingkuran.
Ang digmaang sibil ng Espanya noong 1936 ay ikinagulat ni Teresa sa Colegio ng San Jorge. Dahil sa pampulitikang sitwasyon, kinailangan niyang iwanan ang komunidad at lumipat sa Novelda.
Sa labis na katahimikan at lakas ng loob sa gitna ng malaking pag-igting na naghahari sa bayan. Sinubukan niyang pagaanin ang kalooban ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ipinakita nyang handa ang sarili na kahit magdusa sa pagkamartir. Ang mga kalye ng Novelda ay nagpapatotoo sa kanyang hindi mabilang na mga kilos ng kawanggawa.
Sa loob ng tatlong taong ekslustrasyon, nagkaroon siya ng pagkakataon na gawin ang kasabihan ng kanyang buhay: “Tayo’y palaging gumawa ng mabuti sa lahat”. Ang kanyang paglilingkod sa panahong ito ay maihahambing sa mga naunang Kristiyano na nagdala ng Sakramento ng Pakikinabang sa mga may sakit sa panahon ng persekusyon, at nagbabantang panganib ng buhay.
Taong 1939 ng matapos ang digmaan, siya ay nakabilang sa komunidad ng Nobelda. Ngunit sa sobrang trabaho, pagod at kakulangan nang nutrisyon, nagkaroon siya ng sakit na tuberkulosis.
Sa pagbubukang liwayway binawian sya ng buhay ng Panginoon noong Pebrero 26, 1941 sa edad na apatnaput limang taong gulang.
Noong Disyembre 17, 1996, ideneklara ng Santo Papa Juan Pablo II, si Sr. Teresa Mira Garcia, isang benerable. Isinabuhay ni Sr. Teresa ang karisma na nananalaytay at nagmumula sa bukal ng misteryo nang pananampalataya, ang Simbahan.
Isinabuhay nya ang pag-eebanghelyong dimensyon sa isang klima ng karanasan nang Simbahan.
Bilang anak ni Beato Franciso Palau, ang kanyang paglilingkod ay isang bukas loob na dedikasyon sa miyembro ng mistikal na katawan ni Kristo kabahagi ng iisang ugnayan ng buhay. Mahal niya ang Simbahan at ibinigay niya ang sarili ng may kapayakan, pag-ibig at kaligayahan sa kanyang paglilingkod sa mga mahihina: sa mga bata, mga may sakit at sa mga nangangailangan…
Sa kanyang buhay kumakatawan ang Marianismo Palautiano, na hindi lamang ang pansamantalang debosyon ngunit ang pagsasabuhay ng kongkretong bukas na saloobin at paglilingkod.
Sa pakikipag-ugnay kay Sr. Teresa Mira, iyong makikita palagi ang kalinawan ng kanyang mensahe; kasama ni Hesus, galing sa Kaniya at katulad Niya, pumunta sa kapwa at “gumawa ng mabuti sa lahat.”
Recent Comments